Kailangan kong humingi ng tawad dahil hinayaan kong lumipas ang 2 taon na walang ginawa sa blog na ito. Hindi ko po sinasadya. Maging ako man ay napaisip kung ano ang mga pinaggagawa ko ng mga panahon na yun.
Susubukan ko muling mag blog, at sana sa pagkakataong ito ay magtuloy tuloy na.
Samantala, kasalukuyan akong nasa giyera. Seryosong laban dahil seryoso ang kalaban. Nalaman ko na may Diabetes type 2 pala ako noong 2006 pa. Noong una, nakokontrol ko pa yung sugar ko, pero sobrang istriktong pagdidiyeta ang ginawa ko. Hanggang lumaon ng lumaon, palagi na mataas at di ko na alam kung paano mapabababa. Pinagamit na ako ng doktor ng insulin pero mataas pa rin. Ito ay labis na nakapag alala sa akin.
Nung nakaraang buwan, sumubok ako muli. Mas madami na akong gamot at mas mahal. Pero kailangan kong gawin. Nag umpisa na rin akong mag ehersisyo araw araw. Di ko nga lang magawa sa umaga kaya sa gabi ko ginagawa. Pero nitong mga huling araw, magana na naman akong kumain at hindi pwede yun!!!
Lumulungkot na naman ako, awww.
Kita kits sa susunod!