Monday, April 30, 2012

Downtime

tahimik na ang telepono
bago maghatinggabi
wala na ang kiriring na hinihintay ko
wala na ang mga tawag mo parati
hindi na umiilaw ang cellphone
hindi naman sira ang backlight
wala na ang mga mensahe
at bihira na ring malowbatt
hindi na sumusulpot ang mga im windows
hindi na patay sindi ang ilaw sa icq
wala ng imbitasyon ng laro ng pool
at hindi na nag oonline ang nick mo
iniisip ko kung bakit wala na ang mga ito
habang lunod na sa luha ang mga mata ko
naghihintay ako ng sagot sa mga tanong ko
naghahanap ako ng dahilan para sumuko
naghihintay akong tumunog ulit ang telepono
may mag message ulit sa cellphone
umaasa akong mag open na ulit ang mga im windows
at may matanggap sa icq
unti unti na nawawasak ang puso ko
ano pang halaga ng lahat ng ito
maayos ang connection ko ni hindi nga nadidisconnect
subalit wala na ang taong minamahal ko…

--------------------------------------------------------------------------------

No comments:

Post a Comment